Himala (1982)
Director: Ishmael Bernal
Writer: Ricky Lee
Cinematographer: Sergio Lobo
*Para maiba naman, gusto kong maging tagalog ang blog entry na ito.
Synopsis:
Tahimik na naglalakad noon si Elsa ng napadaan sa isang burol na kung saan sa tuktok ay may isang malaking puno at sa kanya daw ay nagpakita si Birheng Maria. Matapos ang insidente, nagsimula na si Elsang mang-gamot. Noong una ay ayaw maniwala ng mga tao sa kanya ngunit pinatunayan niyang may kakayahan nga siyang taglay upang manggamot. Kinalaunan ay sumikat si Elsa at ang mga taong akala niya'y tinutulungan siya ang siya ring sisira sa kanya. Simula ng hawakan siya ng pinagkakautangang amo ay pinagkakitaan na ang kanyang pang-gagamot. Naging tampok din si Elsa sa mga dayuhan at nagsimula ng pumunta ang mga dayo at turista na naging dahilan ng pag-unlad ng Baryo Cupang. Bumalik din ang matalik na kaibigan ni Elsa na si Nimia, isang GRO at nagtayo ng sariling kabaret mula sa kinita niya sa kanyang trabaho. At naging pugad din ng mga reporter ang istorya ni Elsa. Isa sa naging interesado sa kanya ay si Orly na isang direktor na kinukunan lahat ng ginagawa ni Elsa. Lumaon ay sinubukan ang katatagan ng paniniwala ni Elsa at ng mga tao sa Cupang ng ginahasa si Elsa at nawala ang kapangyarihan niyang manggamot na nakunan ni Orly. Nawala na ang tiwala ng mga tao kay Elsa kasabay ng pagkawala ng kanyang kapangyarihan. Sa huli ay pinatunayan ni Elsa na hindi kailangan ng himala para magbago o mapagaling ang isang tao dahil ang himala ay ginagawa ng tao sa pamamagitan ng kanyang paniniwala at gawa.
What do I like about the film:
Ano ang ineexpect mo sa pelikula ni Nora Aunor? Syempre ang napakahusay niyang pag-arte. Sobrang galing ni Nora magportray ng pagiging isang tahimik na aping mahirap. At kahit ganun pa man alam mong intelehente siyang tao sa kanyang tindig at postura kahit ang napuntang role sa kanya ay mahirap.
Pag dating naman sa kwento, naging maganda din naman pero dahil sa hindi ko tipo ang mga pelikulang may pagkarelihiyoso, masasabi ko namang maganda din ang kinalabasan ng kwento dahil kapupulutan mo ito ng aral.
Sa dating naman ng pelikula gusto ko yung parang documentary feel ng pelikula. Para siyang photojournalism in motion. Dahil sa isa akong photojournalist, isa itong naging factor para magustuhan ko yung pelikula.
Sa pangkalahatan, maganda naman ang pelikula. Puno ng drama at ironic scenes lalo na kay Elsa at Nimia. Pinapatunayan lang ng pelikula kung gaano kabilis maniwala ang mga Pilipino sa himala at kung anong kultura at paniniwala tayo na nakikita pa rin naman hanggang ngayon. Siguro natackle yung common focus na kahirapan pero ang maganda dito ay natest din ang relihiyon ng isang tao. Na hindi ka kailangan magpaapi sa iyong relihiyon at magpaniwala sa sabi sabi bagkus dapat ikaw ang manindigan para sa iyong sarili dahil ikaw ang magtatakda ng iyong kapalaran.
Ratings:
3/5
Biyernes, Enero 6, 2012
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento